Prostate cancer

KARANIWANG apektado ng prostate cancer ang mga kalalakihang 50 years old and above. Ang prostate gland ay matatagpuan sa dakong ibaba ng urinary bladder.

Ano ang dahilan at nagkakaroon ng prostate cancer?

Walang eksaktong nakaaalam kung ano ang dahilan ng prostate cancer. Karaniwang nagkakaroon ng pros­tate cancer ang mga kalalakihang iba’t ibang babae ang nakatalik. Maaari ring magkaroon ng prostate cancer ang lalaking nagkaroon ng sexually transmitted diseases. Naiuugnay din ang pagkakaroon ng prostate cancer kung ang lalaki ay mga mamantika o karne ang kinakain. Nasa panganib din ng prostate cancer ang mga kalalakihang nakalantad sa cadmium.

Ano ang sintomas ng prostate cancer?

Walang sintomas na nakikita kung ang cancer ay nasa early stage pa lamang. Ang cancer ay nadidiskubre nang hindi sinasadya kapag mayroong inaalam na hindi magandang nararamdaman sa katawan.

Para malaman kung may prostate cancer, magsasa­gawa ang doktor ng digital rectal exam sa pamamagitan ng pagpapasok ng daliri sa ilalim ng rectum para madama ang gland.

Ang iba pang examination na isinasagawa ay ang    diagnostic ultrasound, computerized Tomography scans, Magnetic Resonance imaging at nuclear medicine     bone scan.

Paano ginagamot ang prostate cancer?

Depende ang paggamot sa stage ng cancer at kung gaano na ito nakakalat. Maaaring alisin ang bayag (castration), bigyan ng female hormones, anti-hormones o isailalim sa chemothera-phy.

May complications pag­katapos gamutin ang prostate cancer at ito ay ang sumusunod:

Hindi makaihi o hindi agad makontrol ang pag- ihi; maging impotent, rectal symptoms at ang pagka-sira ng sperm cells.

Ang prostate cancer ay maaaring magamot kung made-detect nang maaga at maisasailalim sa pag­gamot. Huwag mag-atu­biling magpatingin sa doktor kung mayroong hinala na merong prostate cancer.

 

Search

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday210
mod_vvisit_counterYesterday488
mod_vvisit_counterThis week1682
mod_vvisit_counterLast week3432
mod_vvisit_counterThis month3572
mod_vvisit_counterLast month14744
mod_vvisit_counterAll210419

Online (20 minutes ago): 39
Now: 2012-02-08 09:36
Copyright © 2009 Philippine Cancer Society Inc. All Rights Reserved.
310 San Rafael St., San Miguel, Manila, Philippines
Tel. no. (632) 734.2126 or 733.3486  |  Fax no. (632) 735.2707